and so my vacation just reallly went POOF huh?? haaaay... ang hirap espelengin ang feeling ko nung isang linggo na lang ang natitira kong bakasyon. dami ko pa kasing gustong gawin, makita at maranasan.
gusto ko pang dalhin sa beach ang mga bata
gusto ko pang makagimik mga pamangkin ko
gusto ko pang makasama pamilya ko
gusto ko pang maghanap ng mga kaibigan na matagal ko ng hindi nakikita
gusto ko pang mag jollibee, mag max, mag malling
mag jogging sa circle
mag out of town
hindi ko nga napuntahan ang eagles nest
gusto kong bumalik sa baywalk para sunrise naman ang makita ko
di ko pa ganong naikot ang roxas
di ko nagawang bumalik sa lugar ng kinalakihan ko para dalawin ang mga kababata ko
di rin ako nakapunta sa cubao
nawala sa isip ko ang tagaytay, binondo, fort santiago, ang cathedral
hindi ko natry kainan ang sangkaterbang restaurant at fast foods sa mga malls
hindi ko natry ang mag spa sa manila. plano ko pa naman yun
gusto ko pang masanay makipaggirian sa mga sasakyan sa pagtawid
kulang pa kasi ang araw na nilaan ko sa pamilya ko, sa mga malalapit kong kaibigan
kulang ang 6 na linggo sa 13 taon kong nawala sa bansa
nosebleed ako sa lungkot!!! guilty pa nga... nagpasaya ako ng tao tapos ako rin ang nagpalungkot.
daming bagay na last minute ko ng ginawa. kill joy ang bagyo ha. me mga lakad akong napostpone dahil jan. .. nga pala, tatlong bagyo ang dumaan nung andun ako. mga pangalan eh nagstart sa C, D, E... naalala ko lang Dodong at Egay. kalimutan ko ung unang bagyo. mag get together pa sana kami ng mga officemates ko... nagawa lang namin the day before my departure. dali dali dahil mamimili pa nga ako. umaga ng 20th, 8 am, nagsimula ko ng i meet up ang best kong si raffy. aga niang punta sa haus, tas sabay kaming punta sa sm north edsa para imeet naman si jerry para magpasama sa shopping. 9 am, habang hantay na magbukas ang hypermart, kape muna kami habang tinitingnan ko photo album ng family nia.
at 10 am, umpisa na kaming umikot, hanapin ang mga items na kelangan ko. pero habang ikot ako, isip ko rin ung mga bagay na di ko pa rin nagawa para sa flight namin. text ko rin mga friends na gustong makita ako uli para magpaalam. nasa isip ko pa rin ang lungkot na mamayang madaling araw wala na ako sa pilipinas.
kulang na nga ang bakasyon, kulang pa rin ang araw. . .para matapos ang lahat, inako na ng aking kanang kamay ang iba pang dapat gawin habang kausap ko ang iba kong kaibigan.
naghiwa-hiwalay kami ng gabing yun na halu-halo ang naramdaman. nakangiti na umiiyak, nakangiti na may bigat sa dibdib. nagpatawa sila, napatawa naman ako. sabi ko na lang sa kanila, babalik ako. . . .
madilim na sa labas ng pauwi na kami. hinatid ako ni jerry sa bahay bitbit ang mga pinamili. at ng nasa bahay na kami, nakigulo siya sa gulo, nakikalat sa kalat, naki ingay sa ingay, nakitawa sa tawa. laki ng pasalamat ko sa kanya sa oras na binigay niya para sa 6 na linggo. kulang ang gabing iyon para pasalamatan siya.
tinext ko uli sila nito, nick and macky ng gabing iyon. si grace bagorio at joy baltazar at si joy velasco.
nung august 21 na. . . .umidlip na lang ako hanggang 2 am
2:30 am papunta na kami sa airport
6:00 am nag aalmusal kami ng mga bata sa isang cafe dun.
7:45 am lumipad ang eroplano. wala na ako sa pilipinas
Thursday, September 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment